Pag ibig?!?!
06:05 AM
Ok lang kaya sayo na lagi kitang iniisip?
Araw,gabi, kahit meron akong ginagawa,
ikaw parin ang gumugulo sa aking isip..
Mahal na kaya kita? o sobrang paghahanga lang sa iyong kagandahan?
Di ako makapag isip ng diresto dahil lagi kong naaalala ang nakakatuwang ngiti at napaka sayang tawa mo...
'Pag tumitingin ka sa akin parang natutunaw na ako dahil sa ganda ng iyong titig.
Mahirap sabihin ang tunay na nararamdaman ko dahil alam kong malabong mangyari na pareho ang pagtingin natin sa isa't isa..
Marahil mayroon ka ng gustong iba,
Pero 'di dito nagtatapos ang pagtitingin ko sa iyo..
Handa akong magantay na dumating ang panahon na ako na ang kayakap mo't iniibig.
Mag aantay ako hanggang sa dumating ang panahon na magkakaroon ka ng pag tingin sa akin kahit kaunti..
Pero ngayon, habang wala pang ngyayari sa atin,
Gusto kong malaman mo itong mga bagay na ito..
Gusto ko lang sabihin ang mga ito sayo.
di dahil gusto ko humingi ng kapalit,
kundi dahil nais kong ipaalam lang sayo na ikaw nag nasa isipan ko...
s®